hindi ko naramdaman ang holidays... parang wala lang... dumaan siya nang parang wala lang sakin... ni hindi ako bumili ng kahit isang gift para sa mga tao... ay meron pala, yung pang exchange gift sa Christmas Party. di ako ok sa bahay.. or di sila ok sa kin... basta ganun... may tension... walang usap usap... every weekend gusto ko umuwi sa bahay... pero pag nandito ako, parang gusto kong mag-Sunday night na para balik na ko sa Makati. lagi ko sinasabi dati... "alam nila sa bahay" "di ako nagsabi pero alam ko alam nila" pero ang tanong is tanggap ba? nung una ok ok pa... di pinaguusapan... life goes on... basta di yun ang topic.. pero now parang iba na... akala ko ok.. pero parang hindi... pag di pa pag-uusapan.. it doesnt mean na tanggap na... ang nangyayari is... dahil sa di pag-uusapan, di tlaga nag-uusap. ang panget ng feeling. masakit. i feel so alone. pero parang nag-eenjoy din ako.. katulad ng sabi ko dati gusto ko ng mala teleserye na buhay... am i getting it? pwede. hehe i feel like im not a good person. kataas-taas ng kilay ang mga ginagawa kong to pero ewan ko ba.. in time na lang siguro?! or iniintay ko lang na may mag untog sakin sa pader para matauhan ako.?! or pag meron na lang isang malaking dagok na dadating sa buhay ko?! malaking dagok?! wala pa ba?! e parang ang sakit sakit ng mga nangyayari.... andaming times na na kahit sa simpleng scene sa tv or balita na nalaman.. naiiyak ako pero i manage to calm myself. ewan ko... patigas na yata ng patigas ang puso ko. OMG! this post is so dark. and hindi pa din mawawala ang pagiging magulo nito hehehehe
sa work.. keri lang.. i think i am surviving. kaya ko siya... sana lang ay maging ok ako.. at unti unting matupad ang pangarap ko. yoko pa magsalita basta aayusin ko na this time... buhay pag-ibig, wala e or wala ata talaga... bahala na... tinatamad na ko magtype... haaaaaaaaaaaaaaayyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyy
No comments:
Post a Comment