Friday, January 27, 2006

bagot! bagot! bagot!

nang pauwi ako ng bahay kagabi ay may nakita akong aso at pusa na naghahalikan.. kinunan ko sila ng litrato.. nang mapansin nila ang flash ng digicam ko ay hinabol nila ako.. tumakbo ako at nang lingunin ko sila ay nakita ko ang isang babaeng naka bridal gown at isang lalaking nka coat and tie, sila na ang tumatakbo sa likuran ko na mgkahawak ang kamay at masayang masaya.. napatigil ako at pinanood silang tumatakbo.. napangiti ako.. maya2 ay may bumusina ng malakas isang truck na punong-puno ng poste ng meralco ang mabilis na rumaragasa dahil walang preno.. nakita ng driver ang dalawang tumatakbo kaya lumiko ito.. di nabangga ang bagong kasal pero tumilapon sa kanila ang mga poste ng meralco.. nahulog ang mga ito dahil sa pgkakaliko ng truck.. gumulong gulong ng mabilis ang mga ito patungo sa bagong kasal.. di ko alam kung ano ang gagawin, kinuha ko na lng ang digicam ko at kinunan sila ng litrato.. tumalikod na ako at nglakad pauwi.. humangin ng malakas.. biglang naging iba ang pakiramdam ko.. feeling ko ay merong nakatingin sa akin.. tiningnan ko ang paligid pero walang tao.. pero nandun parin ang feeling ko na merong nakatingin sa akin.. binilisan ko ang lakad ko nang biglang.. napaupo ako dahil biglang lumambot ang tinatapakan ko.. parang kumunoy.. pilit kong inaangat ang aking mga paa pero hindi ko maiangat na parang lalo nya akong hnihigit pababa.. sobrang nahirapan ako kaya pinabayaan ko na.. bahala na!.. nang.. maramdaman ko ang ilalim ng kumunoy.. matigas din na parang simento.. tumayo n ako.. hanggang tuhod ko ang hinigop ng kumunoy.. pero biglang may narinig akong ingay sa may halamanan sa tabi ng kalsada.. tiningnan ko pero madilim.. ang nakita ko lng ay kulay puti na papalayo.. di q na ito pinansin dahil may naaamoy akong mabaho.. biglang lumiwanag.. may paparating na sasakyan.. malakas ang music n nanggaling sa sasakyan.. isang barkada ang nkasakay at ang ingay.. ngtatawanan sila at tinuturo ako.. dahil sa liwanag ng ilaw ng kotse ay tiningnan ko ang tinatapakan ko na isang malaking tae.. biglang may kumaluskos na naman sa may halaman at nakita ko ang isang baka.. dali dali kong inalis ang paa ko sa tae.. kakaiba ang taeng iyon sa sobrang dami na dinaig pa ang tae ng elepante.. biglang umulan.. umalis na ang kotse.. ngpatuloy na q na mglakad at nghugas sa isang gripo n nkita q.. pero isang paa pa lng ang nahuhugasan ko nang nawalan ng tubig.. bigla ring tila ng ulan.. biglang may sinambit akong mga salita na hndi ko alam.. biglang gumalaw ang gripo at nagkaron ng isang lagusan.. madilim.. wala ako makita.. nang biglang nahulog ako s lagusan.. tinulak pala ko nung baka.. bumagsak ako sa isang chamber.. meron ako nakita na balat ng isang malaking ahas.. tumakbo ako.. di ko alam kung san ako pupunta pero tumakbo ako hngng sa may makita ko n makinang.. ang dami! isang parang kweba na punong puno ng gintong alahas, kagamitan at mga gold coins.. ang dami tlg.. pero may mga tao.. nglalaban sila ng esapada.. si Captain Barbosa tska c Jack Sparrow ng eespadahan.. di ko na nmn alam ang gagawin.. kaya.. kinuha ko ang digicam at kinunan sila ng litrato.. napansin nila yung flash ng digicam.. tiningnan nila aq ng masama kaya tumakbo na aq.. nakita ko ang isang liwanag.. palabas ng kweba.. dali dali akong tumakbo nang marinig ko ang sigaw ng isang hayop.. pero grabe ang sigaw na iyon.. parang naka mega phone sa sobrang lakas.. pero nagkamali ako.. c Kingkong pala! nakita ko nang gusto nyang bawiin si Ann Darrow.. pero napatulog sya ni Carl Denham.. papaalis na sila at dadalhin s Kingkong sa US.. ayoko naman maiwan kaya nagtago ako sa mga balahibo ni kingkong.. buti n lng at walang nakapansin sakin sa sobrang kapal ng balahibo ni kingkong.. ang tagal ng biyahe sa barko kaya ang ginawa ko.. picture picture! biglang tumigil ang barko.. nagkagulo ang mga tao.. may hinahanap sila.. "Where did you see the light?" "There inside Kong".. natakot ako.. tinago ko na bigla ang digicam at hndi na gumalaw.. biglang may narinig akong boses.. boses ni Captain Englehorn.. "Search Kong's body!".. buti n lng di nila ko nakita.. pero maya2 ay umulan.. lumakas ang alon.. at dahil sa lakas ng alon ay ang lakas din ng pag-ugoy nito sa barko.. tumilapon tuloy ako sa dagat.. hawak hawak ang mangilan ngilang balahibo ni kingkong.. tinago ko ito para maging souvenir.. di ko alam pero hndi ako nalulunod.. natuwa naman ako kaya lumangoy ako ng lumangoy.. nakita ko si Lin-Ay.. tapos nakita ko rin si Exodus na padating para kunin sya.. nagtago ako sa isang bato tapos ay sinundan ko sila.. sa paglangoy hngng sa pag ahon sa tubig... nglakbay na sila.. sinundan ko parin sila sa gubat.. ang haba ng nilakbay nila at nkakapagod.. npatigil ako dahil ihing ihi na ako.. di q n pinigil ito at tumigil saglit para umihi.. pgkatapos ko ay di ko na sila makita.. di q na sila naabutan.. nglakad lakad n lng ako at ng picture picture sa mga bundok.. maya2 ay may nakasalubong ako.. c Jack Twist tska c Ennis del Mar.. at ayun kung anu-ano ginagawa.. alam mo na.. tapos yun naglakbay na ko kung saan man e di ko alam.. bsta gusto ko nang umuwi.. biglang lumamig at grabe! sa aking paglalakad ay natanaw ko ang isang malawak na puro kulay puti! snow!!!.. grabe tuwang tuwa ako at nakakita narin ako ng snow ngtatakbo ako at pagulong gulong sa snow.. patalon talon at di mapigil ang saya.. nang.. ARGH.. nauntog ako sa isang poste.. nasa gitna ito ng snow at may ilaw ang tuktok ng poste.. bigla nmng may narinig akong ingay.. dumaan si Mr. Tumnus at c Lucy Pevensie... tumakbo ako para di nila ko makita.. pinuntahan ko na lng ang wardrobe at lumabas na sa Narnia.. hnanap ko na ang palabas ng bahay.. buti n lng ay di aq nakita ni Mrs. MacReady.. pumara na ako ng jip at nakauwi na ako ng walang gumugulo sa akin..

*ito ang storya na nagiging resulta ng pagkabagot ko!

No comments: